Tula Sa Panitikan

Wika at Diwa Isang Sekto Linggwistikang Analysis
Una, Nalikha ang Wika at Diwa,
Na kapag nasuri'y seguradong nakamamangha,
Wika na mayaman, sa kultura't nakaraan,
Na kung lubos na mapag-aralan talaga namang makikita ang yaman.

Wika at Kamalayan
Dalawa, dalawang salitang simbolo ng pagkatao,
Wika at Kamalayan nakatatak sa isipan segurado,
Nagsimula sa abakada, hanggang sa naging parirala,
Nagsimula sa ano, na ngayo'y naging sagot na.

Kultura ng Wika
Ikatlo, Wika na naging salamin ng ating pagkatao,
Mababakas ang kaugalian at kultura ng ating ninuno,
Mga nakaraan, na kay sarap balikan,
Mga paniniwala, na ating iniingatan.

Pananaw sa Mundo ng mga Ilokano mula sa kanilang wika
Ikapat na ako at ako ay napadpad sa parteng ilokano,
Mga salita nila, talagang nakaka bulol ang tiyak ko,
Sa kabila nito, sila,'y naging pursigido,
Na ang kanilang hinaharap ay may matatamo.

Pananaw sa Buhay at Sariling Wika
Ikalima, limang aspeto ng buhay, 
Kaakibat nito'y sariling wikang taglay,
Na araw-araw nagagamit,
Upang mga mithiin sy makamit

Ang Linggwistikang Filipino nasulat sa Tagalog, Filipino at Pilipino
Ikaanim, anim na oras kung inisip, kung ano ang totoo,
Tagalog, Filipino't, Pilipino, Sadyang nakakalito,
Ngunit kung ating kikilatisin ang pagkakaiba nito,
Na pare-pareho lng itong sinasalita mo.

Mga singit Pangungusap kaugnay ng wika emosyon ayon sa mga taga UP Diliman
Ikapito, ikapitong baitang noon, magsimula ang leksyon,
Tinalakay noon ang wika't emosyon,
Ngunit ang tanyag na eskwelahan,ay may gustong patunayan,
Panunuring Panitikan sa akdang may napapatunayan.

Ang Ebolusyon ng Salitang Oragon
Ikawalo, Nakahiling akong walo-walo,
Kas ako tutukwagon, tulos kung ginadan ta ako bikolano,
Oragon ako, na maisog ang tuno,
Oragon, na garo nag bubuga ning kakayo.

Ang Lugi at Tubo sa Pagsasalin
Ika-siyam, pagsasalin ay kailangan ng malalim na pagkatuto,
Nang sa gayo'y, sinasalin ay maging isang perpekto,
Mga pagpapakahulugan, talagang nakakalamang,
Patunay lamang ito na marami kang nalalaman.

Estraktura ng Trawmatikong Kamalayan sa Adobo
Sampo, marka para sa mga kritiko,
Na lubos ang pagsisikap na makagawa ng perpekto,
Talaga namang alagad ng sining,
Na grabe ka pursigido.

Bundok ng Isarog
Literaturang kinagisnan,
Ng mga agtang ating kaibigan,
Ating pag-aralan, upang mapanatili ang kaayusan,
Nang hindi mamatay sa tuktok na walang malay.

Ang Filipino Bilang Tribong Pagano at Nativo
Labing-isa, bilang ng pamilya sa isang tribo,
Dalawang tribo na ang pangalan ay pagano at nativo,
Itong maliit na grupo ma mayroong sariling estado,
Hinamak ng iilang tuso, na gusto manakop dito.