Tula Sa Panitikan
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi4MMjQBoRBowW7oexRgu8BHB2IFiz78kSq8mEtaEj3c0-HyKYnsvrZn9wNNWH8PTQ2nUFtoU8jULN66v0t_A5SpTHHQkpIuHmYYeFTCpDN4t-vKtUE6OuDp55JRS37C_DE-sT5ZiqgJg/s1600/1611423938349495-0.png)
Wika at Diwa Isang Sekto Linggwistikang Analysis Una, Nalikha ang Wika at Diwa, Na kapag nasuri'y seguradong nakamamangha, Wika na mayaman, sa kultura't nakaraan, Na kung lubos na mapag-aralan talaga namang makikita ang yaman. Wika at Kamalayan Dalawa, dalawang salitang simbolo ng pagkatao, Wika at Kamalayan nakatatak sa isipan segurado, Nagsimula sa abakada, hanggang sa naging parirala, Nagsimula sa ano, na ngayo'y naging sagot na. Kultura ng Wika Ikatlo, Wika na naging salamin ng ating pagkatao, Mababakas ang kaugalian at kultura ng ating ninuno, Mga nakaraan, na kay sarap balikan, Mga paniniwala, na ating iniingatan. Pananaw sa Mundo ng mga Ilokano mula sa kanilang wika Ikapat na ako at ako ay napadpad sa parteng ilokano, Mga salita nila, talagang nakaka bulol ang tiyak ko, Sa kabila nito, sila,'y naging pursigido, Na ang kanilang hinaharap ay may matatamo. Pananaw sa Buhay at Sariling Wika Ikalima, limang aspeto ng buhay, Kaakibat nito'y sariling wikang taglay,...